8 Talata sa Bibliya tungkol sa Pakikinig sa mga Bagay-bagay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Ezekiel 33:4

Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.

Ezekiel 33:5

Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.

1 Samuel 15:14

At sinabi ni Samuel, Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig, at ng ungal ng mga baka na aking naririnig?

2 Mga Hari 7:6

Sapagka't ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, sa makatuwid baga'y ang hugong ng malaking hukbo: at sila'y nagsangusapan. Narito, inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo, at ang mga hari ng mga taga Egipto, upang magsidaluhong sa atin.

2 Samuel 5:24

At mangyayari, pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.

1 Mga Hari 14:6

At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? Sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita.

1 Mga Hari 1:41

At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay?

2 Mga Hari 11:13

At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a